Loading...

Download
  • Genre:Hip Hop & Rap
  • Year of Release:2024

Lyrics

Habang ako'y naglalakbay

May nasilayan akong isang dalagang nag-aantay

Nag-aabang ng sasakyang kanyang paparahin

Walang kasama kaya naisip kong kausapin

Hinintay ko lang na mapatingin sya sakin

Bahagyang nalimutan kong ako ay mahiyain

Biglaang nagkapuno at nagbunga ng mangga

Nung napansin ko ang ganda ng mapungay nyang mata

Sa bagal ko ako ay naunahan ng kaba

Nangamba na baka may nagmamay-ari ng iba

Kaya naman ako ay naglakas loob

Ginising ang puso kong tulog kahit ito'y durog

Nasunog nako dati, susubukan kong muli

Bakasakaling makasama ko sya saking pag-uwi

Parang ika-labing apat ng Pebrero

Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo


Pagkatapos kong pataasin

Ang mga bakod ay 

Pwede nang tibagin

Ako'y  handa nang muling

Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan


Buksan na ang mga bintanang selyado

At ang pintuang nakakadena at kandado

Ako'y handa nang muling

Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan


Nakausap ko sya Undas

Pagkatapos kong madukutan sa bus

Imbis magalit, ngiti ko'y abot anit

Mula impyerno bumulusok parang rocket pataas patungong langit

Isang panaginip na nagkatotoo

Sumuntok ako sa buwan at tumama sa noo

Puso ko'y biglang tibok kahit bugbog ito't sugat

Na nagturo sa aking kamay muling magsulat

Mga patay na ugat muling nabuhay

Ang mga kahong puti't itim ay nagkakulay

Mga nakayukong gulay muling nagbigay-pugay

Ulo ko'y nagkasingsing kahit may sungay

Agawin man sakin ni Adolfo ang trono ng Albanya

Iwanang nakagapos sa may puno ng Acacia

Umaasa sa tinig ng ibong adarna

Mabuhay sa pantasya kasama si Laura

Kapalarang sumasakto sa bagsakan ng tambol

Pag kasama sya tumatamis ang asim ng santol

Parang ika-labing apat ng Pebrero

Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo


Hinahanap-hanap ko sya

Parang araw na hinahanap-hanap ang mga guma-melang

Parang labi nyang mapupula

Kung pagtingin ko sa kanya'y ulan, umaambon na

Nagkaututang-dila tungkol sa buhay-buhay

Naging peke ang paligid at sya lang ang naging tunay

Sa lalim, kung sisisirin di mo kakayanin

Pasulyap akong nagbayad, ngiti ang sukli nya sakin

Rinig ko ang awitan mula sa kalangitan

Kasabay ng pagsayaw ng alon sa dalampasigan

Nagdiwang, nagpaulan ng pana

Parang ligaw na bala nang sa puso ko tumama

Sampayan ng bituin ang langit, ang nasungkit ko ay tala

Nung sya'y ginawa marahil nagpakitang gilas si Bathala

Bulag daw ang pag-ibig di ako naniniwala

Kung bulag, bat ako nakakakita ng diwata

Di ko maiwasang manlagkit ang mga titig

Sa mukha nyang may ika-limang titik ng patinig

Parang ika-labing apat ng Pebrero

Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo


Hindi na... Kakatakot ang umibig

Hindi na... Kakatakot ang umibig

Hindi nakakatakot ang umibig muli


Hindi na... Kakatakot ang umibig

Hindi na... Kakatakot ang umibig

Hindi nakakatakot ang umibig muli

+

      -   or   -

      -   or   -

      NG +234

          Please Select A Playlist

          Add New Playlist

          Share on

          Embed: Love & Light EP

          Custom Size :

          • Default
          • Desktop(300*600)
          • Mobile(300*250)

          Type :

          • HTML/HTML5 (WordPress Supported)
          Get Boomplay Premium
          for
          Payment Method
          Pay With
            Review and pay
            Order Date
            Payment Method
            Due Today
            Flutterwave
              Subscription Successful

              Congratulations! You have successfully activated Boomplay 1 Month Premium.

              Now you have access to all the features of Boomplay App.
              Payment Failed

              Please check your balance and then try again.

              You'll lose your subscription if we don't have a working payment method for your account, so please check your payment details.
              Need help? Contact Boomplay Subscription Support.
              Payment Processing...
              10 s

              Payment is being processed by . Please wait while the order is being comfirmed.

              Payment Processing
              Your order is processing, and it may take up to a few days for the service provider to handle your payment. Please kindly stay tuned and check your order status in ‘User Center’.
              About Order Status