Loading...

Download
  • Genre:Pop
  • Year of Release:2022

Lyrics

Madaling araw pa lang, kailangan ng bumangon

Di ko man lang nasulit 'sang araw na pahinga kahapon

Ngayon ay lunes, linggo na ulit silay mahahagkan

Kelangan magtiis ng mga tiyan nila'y magkalaman

Ako nga pala si Juan, mero akong limang anak

May mapagmahal na asawa, pamumuhay ay payak

Salat man sa kakayahan, ako'y sagana sa pagibig

Ito lamang ang angking yaman dahil kapos sa ligalig

Anim na araw sa baraks, maghapong maghahalo

Itong aking tinatahak, alam kong napakalabo

Dahil hindi sapat ang kita, at di tanaw ang kinabukasan

Kaya sinusulit bawat araw habang akoy nasa kalakasan

Dahil ilang taon mula ngayon mas hihirap na ang kabanata

Aking mga munting supling magsisipag dalaga at binata

Akin nang nakikita ang buhay namin pagdating noon

Ang aking lamang hiling ako'y buhayin pa nang Panginoon


Ang lahat ng 'to ay para sa inyo

Aking dugo at pawis kapalit ay ligaya nyo

Mabibigat na bakal, mainit na semento

Handa kong tiisin dahil ito'y para sa inyo


Lumipas nga ang ilang taon, mga anak koy lumaki na

Di naman ako nagkulang pero sila ay nagsipag-iba

Aking panganay na lalaki nalulong na sa sugal

Aking pangay na babae ay maagang nagluwal

Nang sanggol, at di alam kung sino ang ama

Yung isa kahol ng kahol, kakagamit ng droga

Oh kay malas nga naman ang ikaapat may kapansanan

Sana naman kay bunso ako naman ay mabiyayaan

Oh kay hirap talaga ang buhay ng isang katulad ko

Isang kahig isang tuka, hanggang huling hantungan ko

Meron pa nga ba akong dapat pag-alayan ng aking pasakit

Ngayong pato ang mahal kong asawa sa iba na ay naakit

Kami'y iniwan na niya, sumama sa mapera kong amo

Puot man ang aking nararamdam pero ano bang magagawa ko

Ako'y hamak na isang construction worker lamang

Na hindi makabuo ng sarili kong tahanan


Ang lahat ng 'to ay para sa inyo

Aking dugo at pawis kapalit ay ligaya nyo

Mabibigat na bakal, mainit na semento

Handa kong tiisin dahil ito'y para sa inyo


Pero kahit na ganon ang mga pangyayari

Akin paring inisip ang mas nakakabuti

Patuloy ang aking pagbuhat ng aking mga pangarap

Dahil alam ko sa huli, ang tagumpay ay akin ding mahahanap


Pero kahit na ganon ang mga pangyayari

Akin paring inisip ang mas nakakabuti

Patuloy ang aking pagbuhat ng aking mga pangarap

Dahil alam ko sa huli, ang tagumpay ay akin ding mahahanap


Ang lahat ng 'to ay para sa inyo

Aking dugo at pawis kapalit ay ligaya nyo

Mabibigat na bakal, mainit na semento

Handa kong tiisin dahil ito'y para sa inyo

Similar Songs

+

      -   or   -

      -   or   -

      NG +234

          Please Select A Playlist

          Add New Playlist

          Share on

          Embed: Love & Light EP

          Custom Size :

          • Default
          • Desktop(300*600)
          • Mobile(300*250)

          Type :

          • HTML/HTML5 (WordPress Supported)
          Get Boomplay Premium
          for
          Payment Method
          Pay With
            Review and pay
            Order Date
            Payment Method
            Due Today
            Flutterwave
              Subscription Successful

              Congratulations! You have successfully activated Boomplay 1 Month Premium.

              Now you have access to all the features of Boomplay App.
              Payment Failed

              Please check your balance and then try again.

              You'll lose your subscription if we don't have a working payment method for your account, so please check your payment details.
              Need help? Contact Boomplay Subscription Support.
              Payment Processing...
              10 s

              Payment is being processed by . Please wait while the order is being comfirmed.

              Payment Processing
              Your order is processing, and it may take up to a few days for the service provider to handle your payment. Please kindly stay tuned and check your order status in ‘User Center’.
              About Order Status